![]() |
| Credit to the owner of MOTOR |
"Good afternoon po."sabay sabay naming winika ng
mga kasama ko. " Mga classmates ko nga po pala may group work po kami kaya
we decided po na dito gawin sa bahay." wika ni Ezekiel ang leader ng group
namin. " Kiel, sino ba dyan ang girlfriend mo?" "Oo nga Kiel,
kelan ka pa magpapakilala ng gf?" mga pagtatanong ng kapitbahay nya na di
ko ma wari kung kamag-anak nya. Ngumiti lang si Kiel sabay sabing " Naku,
ate Mena wala pang nabubulag ih." napatawa nalang sila sabay pumasok na
kami sa loob ng bahay nila.
Hinati namin ang mga gawain sa bawat isa para madali sa
paggawa. Ilang oras pa ang lumipas ay napagdesisyonan namin ang mamahinga.
"Pre wala ba magandang pasyalan dito?"tanong ni Josh. "Pre gusto
nyo punta tayo dun sa may pa bundok?Magmomotor nalang tayo."sagot ni Kiel.
Sabay-sabay naman kami sumagot ng "geh". Anim kaming magkakasama kaya
naman tatlong motor ang gagamitin. Si Jen ay angkas kay Josh, si Sheena naman
ay kay Frank at ako naman kay Kiel.
![]() |
| Credit to Von and Myr |
Sa pagpunta namin sa pabundok na parte ng kanilang lugar nagpapayabangan
ang tatlo sa pagdadrive kaya naman muntik na maaksidente si Jen at Josh. Medyo
naiilang naman ako kay Kiel dahil hindi kami gaanung close. Maya-maya pa ay
nakarating na kami sa lugar kung saan hanggang doon lang maaaring magmotor at
ang pataas pa ay kailangan nang lakarin. Syempre picture picture din kami pagmay time habang umaakyat. Medyo
nakakapagod pero narating din namin ang taas at doon nakita namin ang ganda ng
kapaligiran. May mga taniman ng gulay, lawa at iba pa. Mabango ang simoy ng
hangin at animoy kay gandang doon panoorin ang paglubog ng araw ngunit hindi
naman kami pwedeng gabihin sa bundok dahil delikado sa aming pagbaba kaya't ang
magandang kalangitan na lamang ang aming pinagmasdan.
Masaya kaming lahat na bumalik sa bahay ni Kiel. Nagmeryenda
lamang kami at unti-unti nang nagsiuwian. Sa kasamaang palad naiwan ako at
tinulungan ko si Kiel tapusin ang aming group work pero hindi pa din namin ito
natapos. Bago pa man ako umuwi ay niaya ako ni kiel sa 2nd floor ng kanilang
bahay at habang nasa asotea kami ay pinagmasdan namin ang paglubog ng araw.
Maya-maya pa ay nagsalita sya " Ezra,gusto kita." Tila nabingi ako sa
sinabi nya dahil lihim din akong humahanga sa kanya. "Noon palang gusto na
kita, kaso masyadong mailap ka kaya wala akong magawa." Napatingin ako sa
kanya ngumiti at sinabing " Sa totoo lang, nagugustuhan nadin kita. Masaya
kang kasama, ayos kakwentuhan at higit sa lahat madami akong natututunan."
Pagkasabi ko noon ay pumunta sya sa likod ko at sinabi " Medyo malamig okey
lang ba kung yakapin kita?" Hindi na ako nakaimik dahil niyakap nya na
ako. Habang yakap nya ako ay inamoy nya ang buhok ko na para bang dumampi na
din ang kanyang mga labi sa may batok ko.Tila hindi ko maipaliwanag ang aking
nadarama parang kaba na may kasamang kilig ang nararamdaman ko. Napalingon ako
kay Kiel sabay ngumiti sya sa akin. Nagkatitigan kami ng mga sampung segundo at
unti-unti nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. Nung tyempong magkakadikit
na ang aming mga labi ay napapikit ako at nang imulat ko ang aking mata ay
napangiti ako dahil sa noo nya pala ako hinalikan. Masaya akong inihatid ni
Kiel pauwi at tila ayaw na naming maghiwalay.Simula noon naging maayos ang
aming samahan halos maituturing na magkarelasyon na kami.
Dumating ang araw na deadline na ang aming group work o
masasabing group project. Sa kasamaang palad hindi makakatulong si Josh at
Frank dahil may trabaho sila, working student kasi. Si Jen naman ay nasa Manila
dahil na confine sa PGH . Si Sheena naman wala daw pera kaya no choice kami ni
Kiel kundi gawin ito ng kami lang.
Nagpunta ako sa kanila at pinagpuyatan namin matapos lang iyon.Natapos naman
namin ngunit kailangan naming magtungo sa UPLB upang ipacheck ito sa aming
research adviser. Ayos naman ang plano ngunit umulan kinaumagahan at may
kalakasan din ang hangin pero sinuong padin namin ang ulan at nagtungo sa UPLB
sakay sa motor para madali.
Naging maganda ang resulta ng aming project ngunit sa
pagtatapos ng project namin ,tila unti-unti ding natapos ang namamagitan sa
amin. Lumipas pa ang mga araw at hindi na kami nagkakasama. Akala ko noong una
ay busy lang talaga sya kaya't hinayaan ko lamang hanggang dumating ang araw na
sya narin ang nagkusang umayaw at nagdesisyong itigil na kung ano mang
namagitan sa amin. Wala akong nagawa kundi umiyak. Sinubukan ko ding kausapin
sya ngunit sa huli hindi ko din naipaliwanag ang side ko dahil wala akong
nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinasabi nya. Masakit para sa akin ang nangyari
samin, ang ligayang akala ko ay walang hanggan ay tila papel na ginusot
,tinapon at sinunog. Parang wala nang ngiting lalabas sa aking mga labi.
Natutulala na lamang ako kapag walang ginagawa at kung minsan pa ay kusa nalang
tumutulo ang aking mga luha. Nawawalan din ako ng ganang kumain at madalas wala
sa sarili.
Lumipas pa ang mga araw at tila tuluyan na syang umiwas sa
akin. Maging ilan sa aming mga kaklase ay napansin ito. Gusto ko mang gawin ang
lahat para maibalik ang dati ngunit tila wala akong magagawa. Pakiramdam ko ay
napakalaki ng pagkakamali ko sa kanya para ako ay iwasan nya. Lagi ko na lamang
iniisip ang sinabi nya na pag-aaral muna ang aming isipin para sa magandang
kinabukasan namin.
Hindi nagtagal at may nabalitaan ako. " Ezra may iba na
pala si Kiel ah."wika ng isa kong kaklase na malapit sa akin. "Nakita
ko sya, may kasama nang iba."dagdag pa nya." Hindi yun, malapit lang
talaga yun sa mga babae!"sagot ko. "Hindi ba yun? Kaya pala
pinagdadala ng bag!" hindi na ko nakaimik pa at gumuhit ang kalungkutan sa
aking mukha. Sobra man akong nasasaktan nais ko parin syang ipaglaban tila ba
mas nanaisin kong maging bingi sa katotohanan para mas maging masaya at patuloy
na mahalin sya ng walang hinihinging kapalit.
Dumating ang araw na nagkasama muli kami sa isang birthday
party ng isang kaibigan sa San Cristobal. Sa umpisa ay nahirapan akong
makisalamuha sa kanya ngunit ng tumagal tagal ay nakapag adjust din ako.
Nag-inom sila ngunit di naman ako sumali dahil hindi naman ako sanay sa inuman.
Napaupo ako malapit kay Kiel at biniro naman kami ni Sam " Kiel, Ezra
smile naman kayo dyan pipicturan!" syempre hindi naman ako KJ kaya
nagpapicture ako katabi si Kiel pero laking gulat ko nung dumikit sya sa akin
at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko. Sobrang saya ko sa pangyayaring iyon
ngunit naisip ko na dahil nakainom lang sya kaya ganoon. Hindi man ako uminon
nung mga oras na yun pero ramdam ko na mas malakas ang tama ko sa kanya :))))).
Bago kami umuwi ngpasama si Martha kay Kiel sa pagkuha ng
pera sa Cebuana dahil may motor ito. Magkasabay kami ni Martha kaya naman
sumama nadin ako sa kanla para isang hatid na din sa bayan. Si Martha ang
pumagitna sa amin sa pag-angkas sa motor. Habang angkas ako sa likod naisip
kong pumikit at alalahanin ang mga panahong magkasama kami ni Kiel. Mga
panahong masaya kami. Mga panahong akala ko ay wala nang katapusan. Maikling
panahon na animoy napakatagal na sa daming mga bagay na naganap. Lalo na ang
panahon na nakaangkas ako sa kanya ,binabaybay ang kalsada habang umuulan. Ang
pagyakap nya sa ulo ko at paghalik dito, ang paghawak sa aking kamay at biglang
paghalik dito. Mga bagay na nais kong ibalik ngunit tila wala akong kakayanang
gawin ito. Tanging pagpatak ng luha na lamang ang aking nagawa. Ang hanging
dumadampi sa aking pisngi ang naging dahilan para lumamig ang mga luhang
pumapatak mula sa aking mga mata.
Gaano ko man kagustong ibalik ang nakaraan, wala na akong
magagawa pa kundi hayaan ang Diyos ang gumawa ng hakbang para sa amin ngunit
namumutawi padin sa aking puso na sana muli ay maisip nya pa ang bumalik dahil
hindi ako magsasawang maghintay para lamang sa kanya :)
End
#Let me ride on you and join together in the trip of life



No comments:
Post a Comment