EMOtera

Tears I tried so hard to hide I hold it all inside pretend it doesn't matter. I tried to be so strong but you always know when somethings wrong see when I feeling down. Hey wasn't it you who's always been there for me. Hey isn't it true we promise to always be "BEST FRIENDS FOREVER"

Sunday, January 25, 2015

Eh kase Mahal Mo!!!

Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Dave pero eto parin ako at patuloy na umaasa. Akala ko kasi noon sya na yung masasabi kong MY DESTINY kaya lagi ko kinakanta sa videoke yung kanta ni Jim Brickman sabi nga sa lyrics nito

" Baby you're my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always there to be
MY DESTINY"

Masama pala mag expect at mag assume agad minsan nauudlot.Pakiramdam ko tuloy anlaki ng nawala sa mga pangarap ko bukod kasi sa sya ang pinapangarap ko lagi pa syang kasama sa mga pangarap ko.

May chance pa kaya na magkabalikan kami? Mahal nya pa kaya ako? Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin. Mahal na mahal ko naman sya pero bakit mas pinili nya ang iwan at talikuran ako? Sa halip siguro na isipin ko ang mga bagay na ito dapat akong maghanap ng mapagkakaabalahan para makalimot.

" Mag mo-move on na ako!"

"Sus, Thea! Dalawang buwan mo nang sinasabi yan! Pwede ba gawin mo nalang hindi yung puro ka dada!" agad na sagot ni Venus, ang bff ko.

" Sorry na friend (T.T) tina-try ko naman ih."

Nagsasawa na siguro sya sa akin dahil paulit-ulit na ako. Sabi nila may 3 months rule daw , after 3 months tsaka pa lang pwedeng magpaligaw o man ligaw. Ibig sabihin ba nun may isang buwan pa ako para maghintay ng pagbabalik nya? Sabi noon sa akin ni Dave kailangan ko daw maging positive. Kailangan positive na bagay ang isipin kasi may Law of attraction daw. If you'll think positively then it will attract positive things. Ano kaya gagawin ko? Iisipin ko na sa huli kami padin o iisipin ko na may ibang lalakeng mas karapat-dapat para sa akin? Siguro ang dapat ay tigilan ko na ang pag-iisip sa kanya!

"O sige best, starting today hindi ko na babanggitin ang name nya."

"Gawin mo nalang."yun lang ang tanging naisagot sa akin ni Venus.

Hindi na ako umimik pa dahit gets ko na agad ang bff ko at lagi nya pang sinasabi na LESS TALK LESS MISTAKES kaya nanahimik nalang ako. Since nasa library naman kami at wala naman akong balak na magbasa ng libro dahil sa totoo lang free wifi lang ang habol ko dito nagfb nalang ako. Sa lahat naman nang pwedeng lumabas sa newsfeed ko bakit status nya pa talaga!

Dave Aldrin Villareal updated his status:


Ang pang-asar pa dito naghang pa talaga ang phone ko!
Wala akong masabi kundi ANG PANGET nya!!!!. . . pero . . . .mahal ko (T.T). I shut down my phone and when I open it again nag google nalang ako.Sa sobrang obsess ko na talaga kay Dave ay nagsearch ako ng name compatibility sa google. Napangiting medyo kinikilig ako nang makita kong 65% compatible kami. Ganito pa ang nakasulat

     Althea Mari vs Dave Aldrin

You are 65% compatible with each other. You will always find common topics and you can passionately discuss them for hours. You know how to nourish your relationship and make it grow to something serious.

Hindi padin ako nakontento kaya naghanap ako ng name and birthday compatibility. Mas lalong humaba ang aking ngiti ng lagpas tenga dahil 83% ang naging resulta nito.





Dahil sumasangang-ayon sa aking nararamdaman ang resulta ng compatibility test, naisip ko pa ulet magtry this time related naman sa chinese zodiac sign namin.




" Wow, grabe sana totoo ng lahat ng ito."bigla ko nalang nasabi dahil sa nakita kong resulta.







" Ano naman yan Thea! Patingin nga ako"






Sa sobrang saya ko nalimutan ko nalang na sinabi ko pala sa bff ko na magmomove on na ako kaya naman naipakita ko sa kanya ang mga pinaggagawa ko.


" Ganyan ba ang magmomove on? Nagtatry pa ng Compatibility test?" ang medyo may pagtataray na sinabi ni Venus.

"Hayaan mo na ako best, let my heart feel the pain until I realize its over. Mahirap kalimutan ang taong tanging nagpapasaya sa akin, yung tipong kahit alam kong may iba nang gusto masaya padin ako sa ginagawa ko."sagot ko sa kanya.

Mas lumapit sakin si Venus at hinawakan ako sa ulo at sinabing " Best, ganyan talaga pagmahal mo minsan nagbubulagbulagan ka kasi masaya kang maging tanga habang sya binabalewala ka! Ang pagmomove on hindi nangangahulugan na lilimutin mo sya. Ibig sabihin nito Life must go on. Hindi lang sya ang nagmamahal sayo nandito pa kaming mga kaibigan mo. Hindi lang dapat sya ang maging buhay mo."sabay yakap sa akin.

Para akong iniuntog sa pader at sa sobrang sakit tila puso ko ay kumikirot na naging dahilan ng kusang pagpatak ng aking mga luha.

"Hindi mo kailangang maghintay dahil aasa ka lang. Paano kung hindi pala sya ang para sayo? Ikaw lang din ang masasaktan. Mas mabuti pa ang wag ka nang umasa pa at kung talagang para kayo sa isat isa ay babalik sya, kusa syang babalik BEST. Sabi nga EXPECT NOTHING AND YOU'LL NEVER BE DISAPPOINTED." dagdag na pangaral pa sa akin ng bff ko.

Maya-maya pa ay inalis nya ang pagkakayakap nya sa akin at inabutan ako ng panyo sabay sabing "Best, hindi bagay sayo ang umiiyak nasaan na ang matatag kong bestfriend? Yung may megaphone sa lalamunan at hagalpak kung tumawa."

Ngumiti ako at sinabing " Best, iba ka talaga! Kaya ikaw ang bestfriend ko ih WISE ka"

Sa tulong ng bestfriend ko naisip ko na tama nga sya, kailangan ko nang burahin ang mga magpapaalala sa mga memories namin ni Dave. Siguro dahil sobrang mahal ko sya hindi ko na realize na may mali din pala sya dahil ang totoong nagmamahal hindi nang-iiwan. Iwanan ka man dahil may sapat na dahilan hindi ka nya iiwasan maliban nalang kung may iba na syang napupusuan.

Siguro nga ay masyado pa akong bata at si Dave naman ay hindi pa handa. Marahil may hinahanap pa sya na hindi pa nya natatagpuan. Ganun pa man, oras na bumalik sya at maging handa at totoo na tandaan nya lang ang kantang THE PAST sabi kase sa lyrics nito

" I don't care about the past
I just want our love to last
There's a way to bring us back together."

Wala na akong magagawa pa, pero alam ko ,na sya,


mayroon pa dahil wala namang ibang babalik kundi ang nang-iwan.

END

#when you easily get you can easily forget!



No comments:

Post a Comment