Nakakatamad, di ko maintindihan, hindi naman inexplain ng
ayos! Yan ang madalas kong madinig sa klase namin sa Tax. "Hindi ko naman
kasi madinig ang boses ni Mam, masyado syang mahinhin" sabi ng classmate
ko na akala mo ay kung sinong siga takot naman sa gf nyang mukhang bebot."
Haha sabihin mo mahina ka lang talaga sa computation!"sagot sa kanya ng
pinaka matalino sa klase na nagpapanggap na tunay na lalake pero sa oras na
lapitan ng pinaka gwapo sa klase asahan mong pupunta sa isang tabi at dun
palihim na kikiligin ang binabaing sobrang kire.
Sa ingay nila di ko na naiwasan ang mapalingon sabay ngisi
sa katabi. "Para-paraan nya para mapalapit sa lalake" yan ang sagot
nya sa pagngisi ko. "Sa halip siguro yan ang isipin tara nalang maghanap
na calculator para may maisagot sa quiz sa tax." Sabay alis namin swerte
ko namang nakita ang buhay ko o sabihin na nating ang nagpapatibok sa puso ko
na kamukha ni Mcdo kaya masasabi kong LOVE KO TO.
"Mhal ko dala mo ba ang calcu. mo?"tanung ko sa
kanya. "Oo naman Mhal, ikaw pa." >.<" Sige Mhal alis na ko
wait nalang kita mamaya dun sa may PNB."sabay ngiti nya ng ganto
^________^. Lagi nalang ako pinakikilig ng lalaking ito. Sapalagay ko papasa na
ako sa quiz kasi ang sweet ng inspirasyon ko. Iniimagine ko palang ang future
ko kasama sya................................ hinila naman ako ng babaing
bruha! Sabay sabi ng "Luka, utak mo nalaglag muntikan nang lumipad buti
nalang nasimot ko . Aral muna bago lovelife may quiz pa tayo."
After ng quiz check ko na agad si phone one message recieve
Mahal ko, awas ka na ba? Punta lang kami sa mall may
bibilhin lang, sa PNB parin tayo magkita. I love you muiifftss.
Hihih kinikilig ako sa Mhal ko parang ang sarap umuwi na
para makasama sya. Sumakay agad kami sa tricycle after a few minutes asa PNB na
agad naks si manong driver byaheng langit. Hintay lang ako wala pa sya... Sige
text ko lang ... Wala pa din.... Tiktak tiktak... Naiinip na ako ayoko na uwi
na ko X((
Diretso agad ako paradahan, Oopss natawag sya! Naku galit
ako! Pabayaan na sya! Hmmm LaLaLa..La.La.La.. Di ko matiis >.< sabay
sagot ng phone
"Asan ka?" Tanung agad nya "Pauwi
na"sagot ko "Ano ba sabi ko sayo di ba sa PNB tayo magkita di lang
ako nakarating agad umalis kana geh bye!" sabay baba ng phone. Aray! Iiyak
na ba ko o iiyak ako (T.T) ano ba itong ginawa ko balik nalang ako. Pagdating
ko wala na sya ngtext ako binalewala nya ... Text ulet wala paring pake sya..
Sbay sabi ko na di ako uuwi kung di sya babalik sabay reply nya Uwi ka na, ok
na tayo.
Di ako kuntento sa sinabi nya pero sabi ko sa sarili ko
babawi ako. Sabay na alala ko si Calcu nasa akin pa. Isip . . . isip. .
Brain blast. Para lang akong si Jimmy Nuetron sa ganda ng
idea ko.
Pagdating sa bahay hanap agad ang lapis at papel. Hingi ng
patawad sa pamamagitan ng sulat. Sinipit sa calcu. Na isasauli sa mahal ko
sabay nakasulat sa unahan nito "Open this when you are already at
Home"
Kinabukasan lihim sanang ilalagay sa bag nya sa kasamaang
palad walang tamang pagkakataon kaya nung kumain sa Mcdo nilagay sa bag nya
sabay sabing " Thanks sa Calculator tingnan mo nalang pag nasa inyo kana
" sabay ngiti ko ng ganito ^______^
The End!
#SorryMahalKo
No comments:
Post a Comment