EMOtera

Tears I tried so hard to hide I hold it all inside pretend it doesn't matter. I tried to be so strong but you always know when somethings wrong see when I feeling down. Hey wasn't it you who's always been there for me. Hey isn't it true we promise to always be "BEST FRIENDS FOREVER"

Sunday, January 25, 2015

Eh kase Mahal Mo!!!

Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng maghiwalay kami ni Dave pero eto parin ako at patuloy na umaasa. Akala ko kasi noon sya na yung masasabi kong MY DESTINY kaya lagi ko kinakanta sa videoke yung kanta ni Jim Brickman sabi nga sa lyrics nito

" Baby you're my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always there to be
MY DESTINY"

Masama pala mag expect at mag assume agad minsan nauudlot.Pakiramdam ko tuloy anlaki ng nawala sa mga pangarap ko bukod kasi sa sya ang pinapangarap ko lagi pa syang kasama sa mga pangarap ko.

May chance pa kaya na magkabalikan kami? Mahal nya pa kaya ako? Hindi ko talaga alam ang dapat kong gawin. Mahal na mahal ko naman sya pero bakit mas pinili nya ang iwan at talikuran ako? Sa halip siguro na isipin ko ang mga bagay na ito dapat akong maghanap ng mapagkakaabalahan para makalimot.

" Mag mo-move on na ako!"

"Sus, Thea! Dalawang buwan mo nang sinasabi yan! Pwede ba gawin mo nalang hindi yung puro ka dada!" agad na sagot ni Venus, ang bff ko.

" Sorry na friend (T.T) tina-try ko naman ih."

Nagsasawa na siguro sya sa akin dahil paulit-ulit na ako. Sabi nila may 3 months rule daw , after 3 months tsaka pa lang pwedeng magpaligaw o man ligaw. Ibig sabihin ba nun may isang buwan pa ako para maghintay ng pagbabalik nya? Sabi noon sa akin ni Dave kailangan ko daw maging positive. Kailangan positive na bagay ang isipin kasi may Law of attraction daw. If you'll think positively then it will attract positive things. Ano kaya gagawin ko? Iisipin ko na sa huli kami padin o iisipin ko na may ibang lalakeng mas karapat-dapat para sa akin? Siguro ang dapat ay tigilan ko na ang pag-iisip sa kanya!

"O sige best, starting today hindi ko na babanggitin ang name nya."

"Gawin mo nalang."yun lang ang tanging naisagot sa akin ni Venus.

Hindi na ako umimik pa dahit gets ko na agad ang bff ko at lagi nya pang sinasabi na LESS TALK LESS MISTAKES kaya nanahimik nalang ako. Since nasa library naman kami at wala naman akong balak na magbasa ng libro dahil sa totoo lang free wifi lang ang habol ko dito nagfb nalang ako. Sa lahat naman nang pwedeng lumabas sa newsfeed ko bakit status nya pa talaga!

Dave Aldrin Villareal updated his status:


Ang pang-asar pa dito naghang pa talaga ang phone ko!
Wala akong masabi kundi ANG PANGET nya!!!!. . . pero . . . .mahal ko (T.T). I shut down my phone and when I open it again nag google nalang ako.Sa sobrang obsess ko na talaga kay Dave ay nagsearch ako ng name compatibility sa google. Napangiting medyo kinikilig ako nang makita kong 65% compatible kami. Ganito pa ang nakasulat

     Althea Mari vs Dave Aldrin

You are 65% compatible with each other. You will always find common topics and you can passionately discuss them for hours. You know how to nourish your relationship and make it grow to something serious.

Hindi padin ako nakontento kaya naghanap ako ng name and birthday compatibility. Mas lalong humaba ang aking ngiti ng lagpas tenga dahil 83% ang naging resulta nito.





Dahil sumasangang-ayon sa aking nararamdaman ang resulta ng compatibility test, naisip ko pa ulet magtry this time related naman sa chinese zodiac sign namin.




" Wow, grabe sana totoo ng lahat ng ito."bigla ko nalang nasabi dahil sa nakita kong resulta.







" Ano naman yan Thea! Patingin nga ako"






Sa sobrang saya ko nalimutan ko nalang na sinabi ko pala sa bff ko na magmomove on na ako kaya naman naipakita ko sa kanya ang mga pinaggagawa ko.


" Ganyan ba ang magmomove on? Nagtatry pa ng Compatibility test?" ang medyo may pagtataray na sinabi ni Venus.

"Hayaan mo na ako best, let my heart feel the pain until I realize its over. Mahirap kalimutan ang taong tanging nagpapasaya sa akin, yung tipong kahit alam kong may iba nang gusto masaya padin ako sa ginagawa ko."sagot ko sa kanya.

Mas lumapit sakin si Venus at hinawakan ako sa ulo at sinabing " Best, ganyan talaga pagmahal mo minsan nagbubulagbulagan ka kasi masaya kang maging tanga habang sya binabalewala ka! Ang pagmomove on hindi nangangahulugan na lilimutin mo sya. Ibig sabihin nito Life must go on. Hindi lang sya ang nagmamahal sayo nandito pa kaming mga kaibigan mo. Hindi lang dapat sya ang maging buhay mo."sabay yakap sa akin.

Para akong iniuntog sa pader at sa sobrang sakit tila puso ko ay kumikirot na naging dahilan ng kusang pagpatak ng aking mga luha.

"Hindi mo kailangang maghintay dahil aasa ka lang. Paano kung hindi pala sya ang para sayo? Ikaw lang din ang masasaktan. Mas mabuti pa ang wag ka nang umasa pa at kung talagang para kayo sa isat isa ay babalik sya, kusa syang babalik BEST. Sabi nga EXPECT NOTHING AND YOU'LL NEVER BE DISAPPOINTED." dagdag na pangaral pa sa akin ng bff ko.

Maya-maya pa ay inalis nya ang pagkakayakap nya sa akin at inabutan ako ng panyo sabay sabing "Best, hindi bagay sayo ang umiiyak nasaan na ang matatag kong bestfriend? Yung may megaphone sa lalamunan at hagalpak kung tumawa."

Ngumiti ako at sinabing " Best, iba ka talaga! Kaya ikaw ang bestfriend ko ih WISE ka"

Sa tulong ng bestfriend ko naisip ko na tama nga sya, kailangan ko nang burahin ang mga magpapaalala sa mga memories namin ni Dave. Siguro dahil sobrang mahal ko sya hindi ko na realize na may mali din pala sya dahil ang totoong nagmamahal hindi nang-iiwan. Iwanan ka man dahil may sapat na dahilan hindi ka nya iiwasan maliban nalang kung may iba na syang napupusuan.

Siguro nga ay masyado pa akong bata at si Dave naman ay hindi pa handa. Marahil may hinahanap pa sya na hindi pa nya natatagpuan. Ganun pa man, oras na bumalik sya at maging handa at totoo na tandaan nya lang ang kantang THE PAST sabi kase sa lyrics nito

" I don't care about the past
I just want our love to last
There's a way to bring us back together."

Wala na akong magagawa pa, pero alam ko ,na sya,


mayroon pa dahil wala namang ibang babalik kundi ang nang-iwan.

END

#when you easily get you can easily forget!



Saturday, January 17, 2015

Calculator

Nakakatamad, di ko maintindihan, hindi naman inexplain ng ayos! Yan ang madalas kong madinig sa klase namin sa Tax. "Hindi ko naman kasi madinig ang boses ni Mam, masyado syang mahinhin" sabi ng classmate ko na akala mo ay kung sinong siga takot naman sa gf nyang mukhang bebot." Haha sabihin mo mahina ka lang talaga sa computation!"sagot sa kanya ng pinaka matalino sa klase na nagpapanggap na tunay na lalake pero sa oras na lapitan ng pinaka gwapo sa klase asahan mong pupunta sa isang tabi at dun palihim na kikiligin ang binabaing sobrang kire.

Sa ingay nila di ko na naiwasan ang mapalingon sabay ngisi sa katabi. "Para-paraan nya para mapalapit sa lalake" yan ang sagot nya sa pagngisi ko. "Sa halip siguro yan ang isipin tara nalang maghanap na calculator para may maisagot sa quiz sa tax." Sabay alis namin swerte ko namang nakita ang buhay ko o sabihin na nating ang nagpapatibok sa puso ko na kamukha ni Mcdo kaya masasabi kong LOVE KO TO.

"Mhal ko dala mo ba ang calcu. mo?"tanung ko sa kanya. "Oo naman Mhal, ikaw pa." >.<" Sige Mhal alis na ko wait nalang kita mamaya dun sa may PNB."sabay ngiti nya ng ganto ^________^. Lagi nalang ako pinakikilig ng lalaking ito. Sapalagay ko papasa na ako sa quiz kasi ang sweet ng inspirasyon ko. Iniimagine ko palang ang future ko kasama sya................................ hinila naman ako ng babaing bruha! Sabay sabi ng "Luka, utak mo nalaglag muntikan nang lumipad buti nalang nasimot ko . Aral muna bago lovelife may quiz pa tayo."

After ng quiz check ko na agad si phone one message recieve

Mahal ko, awas ka na ba? Punta lang kami sa mall may bibilhin lang, sa PNB parin tayo magkita. I love you muiifftss.

Hihih kinikilig ako sa Mhal ko parang ang sarap umuwi na para makasama sya. Sumakay agad kami sa tricycle after a few minutes asa PNB na agad naks si manong driver byaheng langit. Hintay lang ako wala pa sya... Sige text ko lang ... Wala pa din.... Tiktak tiktak... Naiinip na ako ayoko na uwi na ko X((

Diretso agad ako paradahan, Oopss natawag sya! Naku galit ako! Pabayaan na sya! Hmmm LaLaLa..La.La.La.. Di ko matiis >.< sabay sagot ng phone

"Asan ka?" Tanung agad nya "Pauwi na"sagot ko "Ano ba sabi ko sayo di ba sa PNB tayo magkita di lang ako nakarating agad umalis kana geh bye!" sabay baba ng phone. Aray! Iiyak na ba ko o iiyak ako (T.T) ano ba itong ginawa ko balik nalang ako. Pagdating ko wala na sya ngtext ako binalewala nya ... Text ulet wala paring pake sya.. Sbay sabi ko na di ako uuwi kung di sya babalik sabay reply nya Uwi ka na, ok na tayo.

Di ako kuntento sa sinabi nya pero sabi ko sa sarili ko babawi ako. Sabay na alala ko si Calcu nasa akin pa. Isip . . . isip. .
Brain blast. Para lang akong si Jimmy Nuetron sa ganda ng idea ko.

Pagdating sa bahay hanap agad ang lapis at papel. Hingi ng patawad sa pamamagitan ng sulat. Sinipit sa calcu. Na isasauli sa mahal ko sabay nakasulat sa unahan nito "Open this when you are already at Home"

Kinabukasan lihim sanang ilalagay sa bag nya sa kasamaang palad walang tamang pagkakataon kaya nung kumain sa Mcdo nilagay sa bag nya sabay sabing " Thanks sa Calculator tingnan mo nalang pag nasa inyo kana " sabay ngiti ko ng ganito ^______^

The End!


#SorryMahalKo

Motor

Credit to the owner of MOTOR
"Good afternoon po."sabay sabay naming winika ng mga kasama ko. " Mga classmates ko nga po pala may group work po kami kaya we decided po na dito gawin sa bahay." wika ni Ezekiel ang leader ng group namin. " Kiel, sino ba dyan ang girlfriend mo?" "Oo nga Kiel, kelan ka pa magpapakilala ng gf?" mga pagtatanong ng kapitbahay nya na di ko ma wari kung kamag-anak nya. Ngumiti lang si Kiel sabay sabing " Naku, ate Mena wala pang nabubulag ih." napatawa nalang sila sabay pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

Hinati namin ang mga gawain sa bawat isa para madali sa paggawa. Ilang oras pa ang lumipas ay napagdesisyonan namin ang mamahinga. "Pre wala ba magandang pasyalan dito?"tanong ni Josh. "Pre gusto nyo punta tayo dun sa may pa bundok?Magmomotor nalang tayo."sagot ni Kiel. Sabay-sabay naman kami sumagot ng "geh". Anim kaming magkakasama kaya naman tatlong motor ang gagamitin. Si Jen ay angkas kay Josh, si Sheena naman ay kay Frank at ako naman kay Kiel.

Credit to Von and Myr
Sa pagpunta namin sa pabundok na parte ng kanilang lugar nagpapayabangan ang tatlo sa pagdadrive kaya naman muntik na maaksidente si Jen at Josh. Medyo naiilang naman ako kay Kiel dahil hindi kami gaanung close. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa lugar kung saan hanggang doon lang maaaring magmotor at ang pataas pa ay kailangan nang lakarin. Syempre picture picture din kami  pagmay time habang umaakyat. Medyo nakakapagod pero narating din namin ang taas at doon nakita namin ang ganda ng kapaligiran. May mga taniman ng gulay, lawa at iba pa. Mabango ang simoy ng hangin at animoy kay gandang doon panoorin ang paglubog ng araw ngunit hindi naman kami pwedeng gabihin sa bundok dahil delikado sa aming pagbaba kaya't ang magandang kalangitan na lamang ang aming pinagmasdan.
 
Masaya kaming lahat na bumalik sa bahay ni Kiel. Nagmeryenda lamang kami at unti-unti nang nagsiuwian. Sa kasamaang palad naiwan ako at tinulungan ko si Kiel tapusin ang aming group work pero hindi pa din namin ito natapos. Bago pa man ako umuwi ay niaya ako ni kiel sa 2nd floor ng kanilang bahay at habang nasa asotea kami ay pinagmasdan namin ang paglubog ng araw. Maya-maya pa ay nagsalita sya " Ezra,gusto kita." Tila nabingi ako sa sinabi nya dahil lihim din akong humahanga sa kanya. "Noon palang gusto na kita, kaso masyadong mailap ka kaya wala akong magawa." Napatingin ako sa kanya ngumiti at sinabing " Sa totoo lang, nagugustuhan nadin kita. Masaya kang kasama, ayos kakwentuhan at higit sa lahat madami akong natututunan." Pagkasabi ko noon ay pumunta sya sa likod ko at sinabi " Medyo malamig okey lang ba kung yakapin kita?" Hindi na ako nakaimik dahil niyakap nya na ako. Habang yakap nya ako ay inamoy nya ang buhok ko na para bang dumampi na din ang kanyang mga labi sa may batok ko.Tila hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama parang kaba na may kasamang kilig ang nararamdaman ko. Napalingon ako kay Kiel sabay ngumiti sya sa akin. Nagkatitigan kami ng mga sampung segundo at unti-unti nyang nilapit ang kanyang mukha sa akin. Nung tyempong magkakadikit na ang aming mga labi ay napapikit ako at nang imulat ko ang aking mata ay napangiti ako dahil sa noo nya pala ako hinalikan. Masaya akong inihatid ni Kiel pauwi at tila ayaw na naming maghiwalay.Simula noon naging maayos ang aming samahan halos maituturing na magkarelasyon na kami.

Dumating ang araw na deadline na ang aming group work o masasabing group project. Sa kasamaang palad hindi makakatulong si Josh at Frank dahil may trabaho sila, working student kasi. Si Jen naman ay nasa Manila dahil na confine sa PGH . Si Sheena naman wala daw pera kaya no choice kami ni Kiel kundi gawin  ito ng kami lang. Nagpunta ako sa kanila at pinagpuyatan namin matapos lang iyon.Natapos naman namin ngunit kailangan naming magtungo sa UPLB upang ipacheck ito sa aming research adviser. Ayos naman ang plano ngunit umulan kinaumagahan at may kalakasan din ang hangin pero sinuong padin namin ang ulan at nagtungo sa UPLB sakay sa motor para madali.

Naging maganda ang resulta ng aming project ngunit sa pagtatapos ng project namin ,tila unti-unti ding natapos ang namamagitan sa amin. Lumipas pa ang mga araw at hindi na kami nagkakasama. Akala ko noong una ay busy lang talaga sya kaya't hinayaan ko lamang hanggang dumating ang araw na sya narin ang nagkusang umayaw at nagdesisyong itigil na kung ano mang namagitan sa amin. Wala akong nagawa kundi umiyak. Sinubukan ko ding kausapin sya ngunit sa huli hindi ko din naipaliwanag ang side ko dahil wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinasabi nya. Masakit para sa akin ang nangyari samin, ang ligayang akala ko ay walang hanggan ay tila papel na ginusot ,tinapon at sinunog. Parang wala nang ngiting lalabas sa aking mga labi. Natutulala na lamang ako kapag walang ginagawa at kung minsan pa ay kusa nalang tumutulo ang aking mga luha. Nawawalan din ako ng ganang kumain at madalas wala sa sarili.

Lumipas pa ang mga araw at tila tuluyan na syang umiwas sa akin. Maging ilan sa aming mga kaklase ay napansin ito. Gusto ko mang gawin ang lahat para maibalik ang dati ngunit tila wala akong magagawa. Pakiramdam ko ay napakalaki ng pagkakamali ko sa kanya para ako ay iwasan nya. Lagi ko na lamang iniisip ang sinabi nya na pag-aaral muna ang aming isipin para sa magandang kinabukasan namin.

Hindi nagtagal at may nabalitaan ako. " Ezra may iba na pala si Kiel ah."wika ng isa kong kaklase na malapit sa akin. "Nakita ko sya, may kasama nang iba."dagdag pa nya." Hindi yun, malapit lang talaga yun sa mga babae!"sagot ko. "Hindi ba yun? Kaya pala pinagdadala ng bag!" hindi na ko nakaimik pa at gumuhit ang kalungkutan sa aking mukha. Sobra man akong nasasaktan nais ko parin syang ipaglaban tila ba mas nanaisin kong maging bingi sa katotohanan para mas maging masaya at patuloy na mahalin sya ng walang hinihinging kapalit.

Dumating ang araw na nagkasama muli kami sa isang birthday party ng isang kaibigan sa San Cristobal. Sa umpisa ay nahirapan akong makisalamuha sa kanya ngunit ng tumagal tagal ay nakapag adjust din ako. Nag-inom sila ngunit di naman ako sumali dahil hindi naman ako sanay sa inuman. Napaupo ako malapit kay Kiel at biniro naman kami ni Sam " Kiel, Ezra smile naman kayo dyan pipicturan!" syempre hindi naman ako KJ kaya nagpapicture ako katabi si Kiel pero laking gulat ko nung dumikit sya sa akin at ipinatong ang ulo nya sa balikat ko. Sobrang saya ko sa pangyayaring iyon ngunit naisip ko na dahil nakainom lang sya kaya ganoon. Hindi man ako uminon nung mga oras na yun pero ramdam ko na mas malakas ang tama ko sa kanya :))))).

Bago kami umuwi ngpasama si Martha kay Kiel sa pagkuha ng pera sa Cebuana dahil may motor ito. Magkasabay kami ni Martha kaya naman sumama nadin ako sa kanla para isang hatid na din sa bayan. Si Martha ang pumagitna sa amin sa pag-angkas sa motor. Habang angkas ako sa likod naisip kong pumikit at alalahanin ang mga panahong magkasama kami ni Kiel. Mga panahong masaya kami. Mga panahong akala ko ay wala nang katapusan. Maikling panahon na animoy napakatagal na sa daming mga bagay na naganap. Lalo na ang panahon na nakaangkas ako sa kanya ,binabaybay ang kalsada habang umuulan. Ang pagyakap nya sa ulo ko at paghalik dito, ang paghawak sa aking kamay at biglang paghalik dito. Mga bagay na nais kong ibalik ngunit tila wala akong kakayanang gawin ito. Tanging pagpatak ng luha na lamang ang aking nagawa. Ang hanging dumadampi sa aking pisngi ang naging dahilan para lumamig ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

Gaano ko man kagustong ibalik ang nakaraan, wala na akong magagawa pa kundi hayaan ang Diyos ang gumawa ng hakbang para sa amin ngunit namumutawi padin sa aking puso na sana muli ay maisip nya pa ang bumalik dahil hindi ako magsasawang maghintay para lamang sa kanya :)

End

#Let me ride on you and join together in the trip of life