I'm already a fourth year college student and guess what? Kung kelan fourth year na, saka pa ako tinamad mag-aral! Nakakatamad na naman talaga eh! Biruin mo in my 20 years of existence 16 years dito ay binuno ko na sa pag-aaral.
***
CALCULATOR!! Caculator!!!
Yan na! Computation na ⊙﹏⊙ wala pa naman akong Calculator! Sus san naman kaya ako makakapulot ng calculator? Hindi pa kasi ako bumili sa Me and City baka 100 plus lang yun. Pagyung original kasi mahal. Kapag naghanap na ako ng calculator alam na kung ano ang subject ko! TAXATION tapos na kasi ako sa Accounting 1&2 at 3&4. Hindi naman ako accounting students para majorin ang accounting subjects ansakit kaya nun sa bangs (^_\\)
"Hoy Karyll! May calcu ka?"tanong sa akin ni Rosette.
"Ako pa! Syempre wala!"sagot ko.
"Ano? Maghahanap ka ba o tutunganga nalang?"tanong nya ulet.
"Sus wala namang quiz! Okey lang yan!"sagot ko.
Kampante ako dahil walang quiz at magdidiscuss lang ang napakahinhin kong prof. at panigurado mayayanig ang buong classroom sa napakahina nyang boses kaya wala na naman kaming matututunan.
"Aixt Ron! Paano ba to? Napakahirap naman nito! Paano ko malalaman yung exempt sa tax!"pagrereklamo ng siga kong kaklase na nagtatanong dun sa pinakamatalino sa aming room.
"Naku Brando napakadali lamang nan! Hindi ka kasi nakikinig! Resident Citizen yan ah edi may Php 50 000.00 syang basic personal exemption at another Php 25 000.00 na exemption dahil may isa syang dependent."pag-eexplain ng matalino naming kaklase.
Sa pakikinig ko sa kanila may natutunan din naman ako. Sabi ko na eh dapat si Ron nalang ang instructor namin.
Kriiiiing. . . . . Kriiing. . . .kriiing. . . 📱
"Naku Ron, teka lang natawag ang gf ko!"
Ayon si Brandong siga tiklop na naman sa gf nyang mukhang lalaki. Sa lahat ata hindi sya takot maliban sa gf nya. Si Ron naman medyo nakasimangot, pusong babae kasi talaga yun, nililihim lang dahil si Brando ang ultimate crush nya. Sayang talaga tong si Ron gwapo pa naman.
"Hoy! Karyll may naghahanap sayo. Ayon oh nasa pinto."sabi ni Jessa isa sa mga kaklase at kabarkada ko rin.
Pagtingin ko si MCDO pala ng buhay ko ang naghahanap sa akin. Oo si Mcdo, bakit ka mo? Kasi love ko to! ≧﹏≦
"Mhal, bakit? may kailangan ka ba?"tanong ko sa kanya kahit common sense nalang, syempre pupunta ba yun kung walang kailangan!
"Mhal kukunin ko sana yung laptop ko may gagawin lang ako."sagot nya.
Ahaha oo nga pala, hiniram ko ang laptop nito di kasi afford ng family ko bumili siguro pag pinag-ipunan makakabili hahaha XD!
Kinuha ko ang laptop sa may upuan ko at ibinigay ko kay Kyle ang boyfriend ko. Sakto din namang dumating si Miss Esteban ang instructor nami sa TAX.
Nagroll call muna sya bago magdiscuss at nung magdiscuss na sya aba syempre student kaya nakikinig ako yun nga lang multi-tasking talaga ako! texting while listening? Doing two things at the same time you're a genius! ヽ(^。^)ノ what I mean is I am a genius wahahaha XD
Text CONVO with Kyle
Him : Mhal text ka lang pag-awas ka na, wait kita sa may PNB
Me : Sure mahal , mag oojt ka b?
Him : oo eh kaya sa bayan na kita aantayin I love you muiiffts :*
Me: geh mahal I love you too mua :*
Last subject ko na ang tax kaya naman agad na akong umalis nung madismiss kami para makasakay na at makarating sa bayan para makasama ang mhal ko. Noong makarating ako sa bayan nakita ko sya na mag-isang nakatayo sa PNB bumili sya ng yosi kaso nasa tricycle pa ako that time kaya hindi ko sya napigilan. Nasa isip ko nalang na yari sya sakin pagbaba ko. Sabi ko kasi dati wag na sya maninigarilyo.
Nung akmang palapit na ko sa kanya bigla syang umalis. Nasura ako dahil akala ko nakita na nya ako pero umalis pa din sya! Sa sobrang badtrip ko nagdiretso ako papunta sa paradahan pauwi.
*1 message receive*
Mhal nasan ka na?
Syempre nagreply ako!
Uuwi na ako! Pagkababa ko umalis ka sa PNB! Ano yun lokohan?
Him: may tiningnan lang ako
Me: ah! Ang sabihin mo nag yosi ka at nagtatago ka! Caught in the act ka na LOL!!!!
Him : asan ka na nga?
Me: papunta na paradahan pauwi!
Sa totoo lang iniintay ko syang sundan ako, kung aamuin nya ba ako? Kaya binabagalan ko at patigil-tigil ako sa paglalakad. Hindi naman ako nabigo dahil bigla nya akong sinundan at inihatid sa paradahan. Sayang nga lang at hindi na kami nakagala nun.
***
Minsan naman, hindi nya ako itinetext maghapon kaya hindi ko tuloy alam kung sabay kami umuwi. Pakiramdam ko nun ay sobrang lungkot ko. Hindi nga ako nagmamadaling umuwi dahil baka magtext pa sya kaso 6:30 pm na kaya parang anlabo na. Nung makarating ako sa gate nakita ko sya talking with other girls kunwari pa ako na di ko sya nakita tapos nagtxt sya ng NASAN KA NA? NASA MAY GATE AKO kaya yun binalikan ko sya. Nagkasabay kami at hindi rin agad kami umuwi. Kumain muna kami sa Mcdo at nagkwentuhan.
~Sa isang relasyon, isa na siguro sa pinakamahalagang bagay ay oras para sa isa't isa. Hindi man siguro sobra sobrang oras ang kailangan kahit yung tipong busy ka makapagtext ka ng good morning, good night, i love you , i miss you para lang maipakita na naaalala mo siya dahil mahalaga siya.~
Kyle and I always find way to talk to each other. Madalas kami kumain sa labas after ng class para magkwentuhan tungkol sa amin, sa pamilya namin para higit na magkakilanlan. Madalas si Kyle ang taya sa gastos pag minsan naman KKB kami (kanya kanyang bayad). Sa paraang iyon mas naging strong kaming dalawa.
Isa akong napakausisang gf lahat na ata ng pwede ko itanong itatanong ko. Nakailang gf ka na ba? Pang-ilan ako? Bakit kayo nagbreak? At madami pang iba.
Kyle really finds me as a sweet girlfriend ugali ko kasing maglettering at magdrawing sa notebook o papel nya tapos itetext ko syang basahin yun. Hilig ko din syang kantahan at ganun din sya sa akin. Hilig din akong i kiss ni Kyle sa kamay o sa ulo para maglambing o kaya amuin ako pagsumusumpong.
Maraming nag-akala na matagal na kaming couple kahit ang totoo bago palang. Siguro sa sweetness namin kaya ganun ang akala nila. Madalas nila itanong kung ilang years na kami ∩__∩
***
"Karyll! May surprise quiz pala tayo bukas sa tax!"sabi sa akin ni Rosette. Si Rosette ang bff ko sa classroom kaya madalas kaming magkasama.
"Oh eh surprise pala eh, bakit mo alam. Ang lagay bang ito ay maglolokohan pa tayo?" Pamimilosopo ko sa kanya.
"Oh sya sige quiz na nga lang! Hindi na surprise!"sagot nya sa akin
"Haha okey okey! Paalala mo sakin na kailangan ng calcu. manghihiram ako."
"Idamay mo nadin ako bhe."
"Sus, ikaw nga itong mas madaming kakilala."
Kami ni Rosette ay isang dakilang tamad na estudyante kahit nga may quiz magbabasa-basa lang kami. Karamihan kasi ngayon sa student mas iniintindi si bf/gf kaysa pag-aaral at kapag nakaaway ang bf/gf naku! Asahan mo sira ang pag-aaral at mauubos ang tissue kaiiyak. Kung ang exams lang siguro ay tungkol sa bf/gf naku! Panigurado maraming papasa at lahat cumlaude pa!
"Rosette! Tingnan mo si Mitch at Mike simpleng couple lang sila pero ang sweet nila no??"
"Asus akala mo naman di kayo sweet ng jowa mo!"
"Ibang usapan naman yun, hindi naman lantaran ang relasyon namin."
"Pero super caring sayo si Kyle kaya sweet couple din kayo."
"Palibhasa jowa mo hindi dito napasok eh. Kaya para sayo sweet couple na kami."
Rosette like me, has a boyfriend at 1 year na sila. Madalas sya magkwento sa akin kung paano sila magkatampuhan o mag-away ng bf nya pero mabilis din silang nagkakaayos. Bilib nga ako kasi kahit may sumpungan o awayan sila tumatagal padin sila at least may understanding padin at dun nakikita ang pagiging stronger nila.
"Ui Karyll! Rosette! Nakapagpass na ba kayo nung sa Feasibility study natin?"tanong ni Jessa.
"Oo, kaso di ako sure sa mga pinaggagawa ko dun."sagot ko.
"Nga pala Jessa may quiz tayo bukas sa tax. May calcu ka na b?"tanong ni Rosette.
"Ah mayroon si Marco, hihiramin ko nalang mamaya."
Si Jessa ay isa pa sa mga kaibigan ko. Madalas kaming tatlo nina Rosette ang magkakasama. Si Marco naman ang boyfriend ni Jessa. Madalas silang mag-away tapos samin iiyak si Jessa. Minsan may drama pang pagsira ng sim para hindi na makatext tapos after a week sila na ulet (christmas light kasi sila ON and OFF).
Sa aming tatlo si Jessa na siguro ang pinakaapektado ng bf. Minsan kung saan-saan nalang sya iniiwan at naiyak. Minsan din may pasa pa sya. Matagal na sila first year college palang kami tapos naging magbestfriend hanggang sa nagkabalikan sila.
~Sa isang relasyon hindi siguro tamang tanggap ka lang ng tanggap ng sakit minsan dapat maawa ka din sa sarili mo. Sabi dun sa isa kong nabasa ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL AY TULAD NG ISANG MATINONG ESTUDYANTE NA NAG-EEXAM, HINDI TUMITINGIN SA IBA KAHIT NAHIHIRAPAN NA. Tama nga siguro yung nabasa ko kaso nga lang nakadepende yun sa sitwasyon. Oo nga at tunay kang nagmamahal pero dapat pareho kayong lumalaban at kapag sinaktan ka na physically aba! Matauhan ka na WAG KANG TANGA. Dito naman papasok yung isa ko pang nabasa na
MINSAN DARATING SA PUNTO NA MAREREALIZE MO NA MAY IBANG TAO NA PWEDENG MANATILI SA PUSO MO PERO HINDI SA BUHAY MO.
Ibig sabihin may kang let go! Malay mo pag ginawa mo yun mas maging masaya ka at mas makita mo yung karapat-dapat. ~
***
"Oh sya guys attend na tayo ng klase!"pagyaya ni Jessa
"Himala Jessa hindi ka nadagit ng bf mo."sabi ni Rosette
"Wala eh, hindi pumasok."
Sa classroom madalas tahimik lang kami magkukulitan lang pagnatripan. Maingay na kasi ang mga kaklase namin kaya hindi na kami sumasabay pa.
*1message receive*
Kyle : Mhal dito ako ojt di na ako pumuntang school dahil wala akong klase magkita na lang tayo sa PNB
Me: geh mahal, txt nlang aq pag awas na ko love you :)
Him : love you too :D
"Ai nakangiti na naman si Karyll katext siguro si Kyle."
"Naku! Rosette di ka na nasanay! Kung natatandaan mo dahil satin kaya naging sila."
Oo ! Dahil nga kay Rosette at Jessa kaya naging kami ni Kyle. Sila yung unang nakapansin na BET daw ako ni Kyle kaya lagi akong tinititigan, tinatabihan at kinakausap. Dun naman nya ako naakit sa maganda nyang pangungusap at sa ngiti nyang wagas. Iniisip ko pa lang yung ngiti nya kinikilig na ako kaya thankful ako sa dalawang barkada ko. Kung di dahil sa kanila malamang hindi ko boyfriend ngayon si Kyle.
"Ai naku! Jessa at Rosette... hmmm thank you ∩__∩ kung hndi dahil sa inpluwensya nyo malamang wala akong Kyle ngayon."
"Buti ka pa nga Karyll parang lahat ng bagay pinagkakaunawaan nyo ni Kyle para ngang hindi kayo nag-aaway eh."yan ang sinabi ni Jessa.
"Nagtatampuhan din naman kami mas marami nga lang bagay ang pinagkakasunduan namin."
"Kasi Karyll, si Jessa puro sakit ng ulo ang nakukuha sa bf nya."dagdag pa ni Rosette
"Ewan ko nga ba, bakit kami ganito pero kahit ganun sya mahal ko pa din. Handa akong magtiis kahit gaano pa katagal."sinabi ni Jessa
"Eh kasi nga TANGA ka."sabay naming sinabi ni Rosette.
"Kailangan sabay pa talaga? Alam ko naman!"
~Bawat tao naman matalino eh. Alam nila kung tama o mali ang ginagawa nila minsan lang alam nang mali ginagawa padin kasi dun sila sumasaya. Madalas sa pag-ibig puso ang ginagamit bihira na ang gumagamit ng utak kaya madami ang nabibigo. Karamihan pa sa gumagamit ng utak ay yung mga manloloko! Syempre kailangan nila mag-isip kung paano bibilugin ang mga niloloko nila.~
"Oh sya guys dont forget to bring calcu. Tom. wala tayong maisasagot sa tax"pagpapaalala ko sa kanla.
"Ikaw dapat tumanda dyan ikaw nalang walang calcu. nakapanghiram na kami."sagot ni Rosette.
Si Kyle agad ang pumasok sa isip ko na may Sci. Cal. If i'm not mistaken kasi one time may ginawa kaming group project sa kanla at ginamit namin ang sci cal nya. Pero dahil tinatamad ako bukas ko nalang itetext sa kanya na dalhin nya.
***
Naku kailangan ko na palang itxt si Kyle! Baka makapasok sya sa skul ng hindi dala yung calcu. paktay ako nito sa Tax ~>_<~
Text Convo:
Me: Goodmorning mhal :) pahiram naman ako ng calcu. kailangan ko lang sa tax tenchu mua :*
Him: mhal goodmorning din :D cgeh dalhin ko para sayo love you muiiffts
:*
Me : I love you too po :)))
Sa totoo lang hindi talaga kami mahilig magtextan sa isa't isa ni Kyle. Konting text lang okey na kami mas gusto kasi namin ang magkasama kami mas marami kaming napag-uusapan. Simpleng relasyon lang ang mayroon kami pero masaya na kami kaya para sa akin SWAK lang ang lahat.
(Sa school)
Ano ba yan.... Law subject na kami after nito tax na hindi man lang dinadala ni Kyle sa room ko yung calcu. Tsss palagay ko after nito maghahagilap nalang ako sa makikita kong kakilala pagwala talaga utak nalang!!! Calcu naman ata tong utak ko haha XD! Pero yari sakin si Kyle pagbumagsak ako!
"Okey class see you next meeting."sabi ng instructor namin sa Law.
At dahil palipat-lipat kami ng room kada subject sa may dulo pa yung tax namin kaya dali-dali ang lahat baka kasi masira ang cheating arrangement ng bawat isa. Sa halip humanap ng calcu mas inuna ko ang magreserve ng upuan ayoko pa naman sa pinaka una kaya sa gilid ng second line ng upuan ako umupo.
"Karyll may calcu ka na?"tanong ni Rosette.
"Wala pa nga eh."sagot ko
"Oh eto may extra pa ko gamiti mo."sabay abot sakin ng calcu.
"Hay salamat akala ko manghihiram pa ko sa labas ih. Thank you talaga Rosette."
Ngumiti lang si Rosette at dumating naman bigla si Mam Esteban. Nagroll call sya at pagkatapos ay nagpaexam na.
Naku! Buti nalang talaga at may kaibigan ako. Buti nalang at may Rosette kung wala paano na kaya ako? Ngangabels... Tsk kasi naman su Kyle eh! (Sabay tinanggal ko na yung takip ng sci. Cal. kasi gagamitin ko na.)
"What the!"bigla ko nasabi na medyo malakas ang boses at dahil tahimik ang lahat kya naman kinig na kinig ang sinabi ko.
"Yes Miss Malabanan? What's the problem?"tanong ni Miss Esteban
"Nothing mam."sabay tingin ko kay Rosette at nakatawa lang sya sa akin.
Naisahan talaga ako ni Rosette akala ko angel in disguise ko na sya kaso nabasa ko dun sa takip nung calculator nung buklatin ko sa taas nito nakasulat ay KYLE TULIPAN. Eh sa josawa ko pala yun talaga naku balak ko pa sana sya bungangaan yun pla naibigay na kay Rosette pasaway talaga ! >_<
After the exam, chineck ko agad ang CP ko at mayroon akong 15 messages at puro kay Kyle nanggaling tapos yung pinakalatest nyang text ay
MHAL SA PNB ULIT TAYO MAGKITA ! MAGNANIGHT MARKET LANG MUNA KAMI NG MGA KA OJT KO MUIFFTS :*
Sumakay na ako sa tricycle pa bayan at nagtext sa kanya
MHAL PABAYAN NA AKO
Pagkarating ko sa PNB wala pa sya. Luminga-linga ako at medyo nag-antay pa din at nung mainip na ako nilayasan ko na sya. Saktong alis ko saktong tawag nya at hindi ko agad yun sinagot dahil badtrip ako. Nagtext sya.
NASAN KA NA? NANDITO NA AKO
Nagreply naman ako.
PAPUNTA NA PARADAHAN
Bigla naman sya tumawag at sinagot ko naman.
Him : nasan ka na?
Me: papunta nang paradahan uuwi na!
Him: para hindi lang ako nakarating agad umalis ka na sige bye....
**toot**toot
Sh*t binabaan ako na badtrip ata T.T babalik nalang ako dun. Pero tinext ko sya na babalik ako.
Pagbalik ko ay wala na sya kaya nagtext ulit ako.
NASAN KA NA BUMALIK AKO.
Hindi sya nagreply.
ANO NA ABA!
Hindi pa din nagreply.
HINDI AKO AALIS DITO KUNG DI KA BABALIK!
At nagreply din sya sa wakas.
UMUWI KA NA,MALAYO NA SINASAKYAN KO, OKEY NA TAYO.
Syempre wala na ko magagawa dahil nakasakay at nakaalis na sinasakyan nya kaya umuwi na din ako.
~Ang babae hindi pala dapat laging nag-iinarte dahil minsan napupuno din ang mga lalaki baka maging mitsa pa yun ng hiwalayan. Ang mga lalaki naman minsan di nag-iisip baka gusto lang ng babae na lambingin sila.~
Naku paano kaya to ano ba magandang gawin? Pakiramdam ko ako talaga ang mali. Inubos ko ang pasensya nya gusto ko magsorry pero gusto ko yung magugustuhan nya at marerealize nya na mahal ko sya at ayokong mawala sya sa akin.
Naisip ko na gumawa ng simpleng letter para maiparating sa kanya na nagaosorry talaga ako. Naalala ko din na dahil di kami nagkita hindi ko naisauli ang calculator nya kaya para medyo kakaiba ang letter ko ay isinipit ko ito sa takip ng sci cal at itinakip ng ayos sa calcu at dinigkit ko naman sa una ang papel na may nakasulat na open this at home :))
Isinauli ko ang calcu noong magkita kami kinabukasan. Isisilid ko sana sa bag nya ng lihim kaso di ako magkaroon ng chance kaya sinilid ko ng kita nya at sinabi ko na sa bahay tingnan nya. Dahil sa sinabi ko mas gusto nya tuloy makita. Sabi ko nalang na sa bahay na lang. Hindi naman sya naging makulit. (Ako kasi makulit)
Kinabukasan tinanong ko sya kung nabasa nya na at ang sabi nya
OO, NAGUSTUHAN KO SYA, NAGUSTUHAN KO ANG GINAWA MO :D
~ Ang simpleng effort madalas nakakapagpasaya ng sobra lalo na kung ito ay magpaparamdam sa isang tao na labis mo syang pinahahalagahan.~
![]() |
| The letter inside the CALCULATOR |
Ito ay dinededicate ko kay Crisel Niño :D
Salamat sa CALCULATOR, iniingatan mo pa kaya ang sulat ko o napatapon na? Hehe salamat sa memories. Sana dumating yung time na mabasa mo ito :))
I dedicate this also to my two beloved friends Roselle and Myrna ang mga kabebe ko XD I LOVE YOU BOTH :))







