Sina Trixia ,Lyncie ,Ashley ,Baby Laisa , Beronica at Shaira ay mga estudyante sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Sila ay naging magkakabarda makalipas ang isang buwan mula ng pumasok sila sa unang antas ng sekundarya. Naging isa silang barkada na sama-sama sa kulitan, kalokohan ,kaingayan,kakikayan at kung anu-ano pa. Masasabing napakaganda talaga ng kanilang samahan.
Noong babago-bago pa lamang silang magkakakilala ay masasabing mahirap ng buwagin ang kanilang samahan . Ano man ang gustuhin ng isa ay sama-sama sila at lagi silang nandyan para sa isa’t isa. Hindi din naman maiiwasan ang magkaroon sila ng konting tampuhan pero hindi naman ito tumatagal dahil bago pa man matapos ang araw na sila’y may tampuhan ay nagkakaayos na sila.
Ang ganitong samahan ay tumagal mula unang antas hanggang ikatlong antas sa sekundarya dahil ang lahat ay nagbago ng maranasan at madama nila ang tinatawag na “PAG-IBIG”. Ito ang nagpagulo at nagbigay pagsubok sa kanilang pagkakaibigan sa ikaapat na antas.
Si Trixia ay nagkaroon ng kasintahan at dahil dito napansin ng mga kaibigan niya ang pagbabago sa kanyang ugali. Napatunayan ito ni Beronica ng minsanng may tagpuan sila ni Trixia ngunit sa kabila ng ilang oras ng kanyang paghihintay ay hindi sya sinipot nito sa kadahilanang magkasama sila ng kanyang boyfriend.
Si Lyncie naman ay minsang umibig na halos lahat ay ibinigay nya na ngunit niloko lamang sya dahil dalawa silang naging karelasyon nito. Naghiwalay sila at ang masakit pa dito pinili nito ang isang babaeng walang dekalidesa. Ang pangyayaring ito ang naging dahilan kaya’t nakipagrelasyon nalang siya sa isang tomboy. Ayaw man ng mga kaibigan niya hindi na sila nakialam sapagkat alam nila na natatakot pa itong magmahal muli ng isang lalaki.
Sa pangyayari palang sa dalawang kaibigan ay nagulo na ang kanilang samahan. Ang dating anim na dalagitang tambay sa oval tuwing walang klase at pag-awasan ay nagging apat nalang at kung minsan pa’y hindi na sila nagkakasama.
Hindi nagtagal napabarkada na sa iba si Baby Laisa. Siya ay lagi nalamang tambay malapit sa commandant upang silayan ang makikisig na C.A.T. Officers gaya nina Tyrone, Tristan, Ryuu at Kyle. Hilig niya ding panoorin si Tyrone habang nagcocommand sa mga C.A.T. Volunteers at kung minsan ay palihim niya itong kinukuhanan ng pictures.Bukod pa dyan ay dati nya itong kasintahan at hanggang sa ngayon ay mahal padin nya.
Si Shaira naman ay pinagbubutihan na lang ang pag-aaral at nagpapakaabala na lamang sa Red Cross Youth, Dizon High Notes at kung anu-ano pangclub o organisasyong kanyang kinabibilangan. Sa library ang kinahihiligan niya ngayong tambayan upang magbasa nalang ng mga libro.
Si Ashley naman ay nananatiling maganda,mabait at simple kung kaya’t maraming nanliligaw sa kanya pero isa lang ang gusto nya ito ay si Tyrone na naging boyfriend nya. Napakasakit nito para kay Baby Laisa dahil alam nya na alam ni Ashely na may pagtinginparin sya sa dating kasintahan. Ito ang nagging dahilan upang magkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan.
Minsan nakipagkita si Baby Laisa kay Ashley sa may torch ang naging tagpuan nila upang maging malayo sa mga faculty. Sa pagdating ni Ashley hindi napigilan ni Laisa ang galit nya at nasampal nya ito. “Anong karapatan mong sampalin ako?”ang biglang nasabi ni Ashley.”Ano? Tinatanong mo kung ano?akala ko ba kaibigan kita bakit ngayon kayo na ni Tyrone.”sagot ni Baby Laisa. Napaluha si Ashley at nasabi sa kaibigan na hindi naman nya inagaw si Tyrone sa kaibigan mahal nila ang isa’t isa kaya wala syang naiisip na masama o maling nagawa sa kaibigan. Ano mang paliwanag ni Ashley ay hindi parin naging sapat galit padin si Laisa dito at bigla niyang sinabunutan si Ashley.Wala namang nagawa si Ashley kundi dipensahan ang sarili. Sila ay nakita ng isang guro kaya naman sila ay napaguidance at pinatawan ng one week suspencion.
Ito ay napabalita sa buong campus ngunit hindi lang ito ang naging pangunahing isyu sa Dizon High.Napabalita din na nakipagtanan na daw si Trixia sa boyfriend nya.Maging si Lyncie ay napapabalita din na nagrerebelde na daw sapagkat lagi daw itong sumasama sa kasintahang tomboy upang mag-inom at manigarilyo.
Ang mga balitang ito ay ikinalungkot ng labis nina Beronica at Shaira ,ang dalawang natatanging hindi napabalita sa anim na magkakaibigan. Naisip ng dalawa na magkita sila sa grandstand upang pag-usapan ang mga isyu ng kanilang mga kaibigan at piliting magkaayos-ayos muli.
Habang nag-uusap ang dalawa sa grandstand hindi napigilan ni Beronica ang lumuha dahil sa mga pangyayari.Hindi nya lubos maisip na ang pag-ibig ang sisira sa kanilang samahan. Ang dalawa ay lubos na nalulungkot dahil kung kalian gagraduate na sila at iiwanan na nila ang Dizon High ay saka pa nasira ang samahan nila.Dahilan na ayaw ng dalawang binibini na grumaduate ng magkakagalit sila, naisip nila na pagayosin ang mga kaibigan.
Lubhang napakahirap ng gagawin ni Shaira at Beronica pero hindi sila nawalan ng pag-asa,malakas ang determinasyon ng dalawa.Ilang subok din ang kanilang ginawa ngunit sa kabila ng lahat isang malagim na pangyayari ang naganap. Si Beronica ay naaksidente sapagkat nabangga ang sinasakyan nito at ngayon ay nag-aagaw buhay siya.
Sa ospital nagsidatingan ang lima nyang kabarkada. Silang lima ay magkakayakap habang umiiyak.May inabot na notebook ang ina ni Beronica sa kanila at nakasulat dito ay
“Masaya akong nakasama sina Trixia,Baby Laisa,Shaira at Ashley.Silang lima ay napakahalaga sa akin ngunit lubhang kalungkutan ang aking nadama ng magkawatak-watak kami.Sana maayos na muli ang aming samahan dahil sa totoo lang nanasar ako na natutunan pa naming magmahal na syang dahilan ng lahat ng ito.May natutunan ako sa mga bagay na ito hindi masamang magmahal basta’t wag lamang sobra-sobra dahil ito ang sisira sa pagkatao mo kaya’t dapat magtira ka para sa sarili mo.Sa mga kaibigan ko sana bago tayo grumaduate maging maayos na ang lahat.Mahal ko kayo at mahalaga kayo sa akin ”
Nang mabasa ng lima ang nakasulat sa notebook ni Beronica na puro tungkol sa kanila ay agad silang nagtungo sa simbahan at mataimtim na nanalangin.Halos pare-pareho lamang ang kanilang hiling at iyon ay bigyan lamang nila na karagdagang buhay si Beronica ay iingatan na nila ang kanilang samahan at walang makasisira nito pananatiliin nila ang paguunawaan sa isa’t isa.
Pagbalik nila sa ospital ay magandang balita ang sumalubong sa kanila. Si beronica ay maayos na dahil nagising na ito bagamat hindi siya makakaattend ng graduation sa isang araw.Laking tuwa nalamang ng lima at para sa kanila ang mahalaga ay buhay si Beronica.
Nakagraduate silang anim at para sa kanila ay“Ang barkadahan at magandang samahan na sa Dizon High nabuo ay hindi matatpos sa Dizon High dahil ito ay magpapatuloy pa habangbuhay.” Hanggang kolehiyo at kahit may trabaho na sila hanggang magkaanak ay di parin nasira ang barkadahan nila.