EMOtera

Tears I tried so hard to hide I hold it all inside pretend it doesn't matter. I tried to be so strong but you always know when somethings wrong see when I feeling down. Hey wasn't it you who's always been there for me. Hey isn't it true we promise to always be "BEST FRIENDS FOREVER"

Wednesday, November 23, 2011

Girls Over Anime

Girls over anime barkadahan!!!!

Ang Barkadahan na walang iwanan friends forever and ever hindi magbabago!!!!


Fairy tail isa sa mga kinaaadikan naming anime da best to lalo na si Gray Fullbuster na top 1 sa otaku issue no. 64...........





Anime lovers tlaga we also love ang pagdodrawig ng anime...enjoy...:))))))))))



I LOVE MY GOA FAMILY
SCYBER PHOENIX
    

Monday, February 14, 2011

Be "in" to be Wise and Good


Netizen? What netizen means? According to what I’ve search netizen was the synonyms of Cybercitizen and it means:
·         A person who communicates on the internet and belongs to rthe global electronic village; an Internet citizen, who uses networked resources, which connotes civic responsibility and participation.
·         A citizen who uses internet as away of participating in political society (for example, exchanging views, providing information, and voting).
·         An internet user who is trying to contribute to the internet’s use and growth. As a powerful communications medium, the Internet seems to offer great possibilities for social change. It also creates a new culture and its own special issues, such as who shall have access to it. The implication is that the Internet’s users, who constructively while also fostering free speech and open access.
To be a goodinternet users or netizen there are 10 commandments that you should follow (http://blog.thoughtpick.com/2009/12/the-10-commandments-of-being-a-good-netizen.html)
This rules or commandments will really help us to be a goodinternet users. Knowing you’re responsibilities and limitations in using the internet is a way of being good netizen. We should not follow those people who’s using the internet in bad ways.
We are very lucky that the computer was invented because by the means f internet we can easily search and it has a lot of sources unlike when its not yet invented, they are searching in the library. It is harder than just browsing the internet but still libraries are important.
The internet was very important to the students like me because it can help in our studies. As far as I know more on the internet users are students or teenagers. They are”in” in using facebook, twitter and etc.
As of my opinion we must be careful in uploading picture in the internet especially when we don’t ask permission on the person in that picture because sometimes you can hurt that person.Like what had happened to me when someone uploaded my picture with my classmate.Many commented  and making lauged on our picture.It was a plain insult to me that’s why I am very disappointed. They don’t even ask our permission. So to be a good netizen be wise and responsible enough before doing something and don’t forget you’re limitations.


 




Clash of the Titans




Ang pelikula ay nagsisimula sa kuwento ng Titans. Ang Titans ay sa nagwakas sa pamamagitan ng kanilang mga anak  ni Zeus ( Liam Neeson ), Poseidon ( Danny Huston ), at Hades ( Ralph Fiennes ),noong si Zeus ay  kinumbinse ni Hades na lumikha ng isang parang halimaw na nilalang, ang Kraken (na ginawa mula sa laman ni Hades).Si Zeus ang nagging pinuno ng langit, si Poseidon sa karagatan at si Hades sa underworld.Si Zeus ang lumikha sa sangkatauhan at nang nagtagal nagtanong na ang sangkatauhan tungkol sa mga diyos.
Pagkalipas ng isang libong taon, ang isang mangingisdang nagngangalang Spyros (Pete Postlethwaite) ang nakahanap ng isang kabaong sa dagat. Isang sanggol at ang kanyang ina na patay na Danaë ( tulis Stapelfeldt ) ang laman nito.Inampon ni Spyros ang sanggol na pinangalanan nyang Perseus. Makalipas ang ilang taon at lumaki na si Perseus (Sam Worthington) at nakasakay sila sa isang Bangka upang mangisda kasama ang kanyang pamilya ng masaksihan nila ang mga sundalo mula sa Argos na sinisira ang rebulto ni Zeus, bilang isang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios.Nasira ang bangkang sinasakyan ni Persues at namatay ang kanyang pamilya.
Si Perseus ay natagpuan sa pamamagitan ng sundalo. Siya ay dinala sa harap ni  King Cepheus ( Vincent Regan ) at Reyna Cassiopeia ( Polly Walker ), sa panahon ng kanilang pagdiriwang ng digmaan sa mga dios.Si Cepheus at Cassiopeia ay wala sa loob sa mga buhay na nawala sa mga bagong ipinahayag digmaan. Ang Hari ay gumagawa mayabang pahayag sa kawalang-galang sa mga dios, at ang Reyna ay  pinagkukumpara ang kanilang anak na babae Andromeda ( Alexa Davalos ) na ang diyosa Aphrodite ( Agyness Deyn ),
Si Zeus ay lubhang nagalit, binigyan nya si Hades ng pagkakataon upang lumitaw sa harap ng kaniyang kapatid sa bundok ng Olympus. Ayon kay Hades ang dios ay dapat kumilos sa paghihiganti laban sa mga pag-aalsa, at pinapayag nya si  Zeus na siya ay na pinapayagan na sirain Argos. Lumitaw si Hades, pinatay ang mga natitirang mga sundalo n.  Nagbabanta si Hades na kung Princess Andromeda ay hindi maialay upang mapalubag ang loob ng mga dios sa loob ng sampung araw,  ang Argos ay pupuksain sa pamamagitan ng Kraken.
 Ikinulong ng hari si Perseus sapagkat hindi sya lalaban kaama ang mga Argos laban sa mga dios.Upang parusahan King Acrisius ( Jason Flemyng ) para sa kanyang sariling digmaan sa mga dios, Zeus naganyo kanyang sarili bilang Acrisius at hinikayat Danaë.Nagkaanak sila ni Danae at iyon ay si Persues kaya itoay kalanating Diyos.
ginamit ni Hades ang Kraken upang sirain ang Argos. May mga naniwala  na ang tanging paraan ay ang ialay nila si  Andromeda. Hinuli ng mga ito si andromeda at ginawang alay.Sa bundok ng Olympus nakita ni Persues ang Pegasus. ito ay magagamit nya upang matupad ang hangarin niyang maging isang diyos.Hinanap nya ang maaaring paraan upang matalo ang kraken at natiklasan nya na ang ulo ni medusa ang makakatalo dito sapagkat sa oras na tuningin ito sa mata na Medusa ito ay magiging bato.
 Nakipaglaban si Perseus kay Medusa at sya ay nagwagi. Dali-dali nyang pinintahan ang lugar kung saan iaalay si Andromeda. Sakay sya sa Pegasur at ng makarating siya doon ay nakipaglaban siya sa Kraken at nagwagi.
Ibinalik nya ding muli si Hades sa impyerno. Inalok ni Zeus si Persues upang sumama sa Olympus ngunit ito ay tumanggi at mas pinili ang manatili sa mundo.


Sunday, February 13, 2011

Barkadahang Walang Hanggan

  Sina Trixia ,Lyncie ,Ashley ,Baby Laisa , Beronica at Shaira ay mga estudyante sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool. Sila ay naging magkakabarda makalipas ang isang buwan mula ng pumasok sila sa unang antas ng sekundarya. Naging isa silang barkada na sama-sama sa kulitan, kalokohan ,kaingayan,kakikayan at kung anu-ano pa. Masasabing napakaganda talaga ng kanilang samahan.
                Noong babago-bago pa lamang silang magkakakilala ay masasabing mahirap ng buwagin ang kanilang samahan . Ano man ang gustuhin ng isa ay sama-sama sila at lagi silang nandyan para sa isa’t isa. Hindi din naman maiiwasan ang magkaroon sila ng konting tampuhan pero hindi naman ito tumatagal dahil bago pa man matapos ang araw na sila’y may tampuhan ay nagkakaayos na sila.
                Ang ganitong samahan ay tumagal mula unang antas hanggang ikatlong antas sa sekundarya dahil ang lahat ay nagbago ng maranasan at madama nila ang tinatawag na “PAG-IBIG”. Ito ang nagpagulo at nagbigay pagsubok sa kanilang pagkakaibigan sa ikaapat na antas.
                Si Trixia ay nagkaroon ng kasintahan at dahil dito napansin ng mga kaibigan niya ang pagbabago sa  kanyang ugali. Napatunayan ito ni Beronica ng minsanng may tagpuan sila ni Trixia ngunit sa kabila ng ilang oras ng kanyang paghihintay ay hindi sya sinipot nito sa kadahilanang magkasama sila ng kanyang boyfriend.
                Si Lyncie naman ay minsang umibig na halos lahat ay ibinigay nya na ngunit niloko lamang sya dahil dalawa silang naging karelasyon  nito. Naghiwalay sila at ang masakit pa dito pinili nito ang isang babaeng walang dekalidesa. Ang pangyayaring ito ang naging dahilan kaya’t nakipagrelasyon nalang siya sa isang tomboy. Ayaw man ng mga kaibigan niya hindi na sila nakialam sapagkat alam nila na natatakot pa itong magmahal muli ng isang lalaki.
                Sa pangyayari palang sa dalawang kaibigan ay nagulo na ang kanilang samahan. Ang dating anim na dalagitang tambay sa oval tuwing walang klase at pag-awasan ay nagging apat nalang at kung minsan pa’y hindi na sila nagkakasama.
                Hindi nagtagal napabarkada na sa iba si Baby Laisa. Siya ay lagi nalamang tambay malapit sa commandant upang silayan ang makikisig na C.A.T. Officers gaya nina Tyrone, Tristan, Ryuu at Kyle. Hilig niya ding panoorin si Tyrone habang nagcocommand sa mga C.A.T. Volunteers at kung minsan ay palihim niya itong kinukuhanan ng pictures.Bukod pa dyan ay dati nya itong kasintahan at hanggang sa ngayon ay mahal padin nya.
                 Si Shaira naman ay pinagbubutihan na lang ang pag-aaral at nagpapakaabala na lamang sa Red Cross Youth, Dizon High Notes at kung anu-ano pangclub o organisasyong kanyang kinabibilangan. Sa library ang kinahihiligan niya ngayong tambayan upang magbasa  nalang ng mga libro.
                Si Ashley naman ay nananatiling maganda,mabait at simple kung kaya’t maraming nanliligaw sa kanya pero isa lang ang gusto nya ito ay si Tyrone na naging boyfriend nya. Napakasakit nito para kay Baby Laisa dahil alam nya na alam ni Ashely na may pagtinginparin sya sa dating kasintahan. Ito ang nagging  dahilan upang magkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan.
                Minsan nakipagkita si Baby Laisa kay Ashley sa may torch ang naging tagpuan nila upang maging malayo sa mga faculty. Sa pagdating ni Ashley hindi napigilan ni Laisa ang galit nya at nasampal nya ito. “Anong karapatan mong sampalin ako?”ang biglang nasabi ni Ashley.”Ano? Tinatanong mo kung ano?akala ko ba kaibigan kita bakit ngayon kayo na ni Tyrone.”sagot ni  Baby Laisa. Napaluha si Ashley at nasabi sa kaibigan na hindi naman nya inagaw si Tyrone sa kaibigan mahal nila ang isa’t isa kaya wala syang naiisip na masama o maling nagawa sa kaibigan. Ano mang paliwanag ni Ashley ay hindi parin naging sapat galit padin si Laisa dito at bigla niyang sinabunutan si Ashley.Wala namang nagawa si Ashley kundi  dipensahan ang sarili. Sila ay nakita ng isang guro kaya naman sila ay napaguidance at pinatawan ng one week suspencion.
                Ito ay napabalita sa buong campus ngunit hindi lang ito ang naging pangunahing isyu sa Dizon High.Napabalita din na nakipagtanan na daw si  Trixia sa boyfriend nya.Maging si Lyncie ay napapabalita din na nagrerebelde na daw sapagkat lagi daw itong sumasama sa kasintahang tomboy upang mag-inom at manigarilyo.
                Ang mga balitang ito ay ikinalungkot ng labis nina Beronica at Shaira ,ang dalawang natatanging hindi napabalita sa anim na magkakaibigan. Naisip ng dalawa na magkita sila sa grandstand upang pag-usapan ang mga isyu ng kanilang mga kaibigan at piliting magkaayos-ayos muli.
                Habang nag-uusap ang dalawa sa grandstand hindi napigilan ni Beronica ang lumuha dahil sa mga pangyayari.Hindi nya lubos maisip na ang pag-ibig ang sisira sa kanilang samahan. Ang dalawa ay lubos na nalulungkot dahil kung kalian gagraduate na sila at iiwanan na nila ang Dizon High ay saka pa nasira ang samahan nila.Dahilan na ayaw ng dalawang binibini na grumaduate ng magkakagalit sila, naisip nila na pagayosin ang mga kaibigan.
                Lubhang napakahirap ng gagawin ni Shaira at Beronica pero hindi sila nawalan ng pag-asa,malakas  ang determinasyon ng dalawa.Ilang subok din ang kanilang ginawa ngunit sa kabila ng lahat isang  malagim na pangyayari ang naganap. Si Beronica ay naaksidente sapagkat nabangga ang sinasakyan nito at ngayon ay nag-aagaw buhay siya.
                Sa ospital nagsidatingan ang lima nyang kabarkada. Silang lima ay magkakayakap habang umiiyak.May inabot na  notebook ang ina ni Beronica sa kanila at nakasulat dito ay
“Masaya akong nakasama sina Trixia,Baby Laisa,Shaira at Ashley.Silang lima ay napakahalaga sa akin ngunit lubhang kalungkutan ang aking nadama ng magkawatak-watak kami.Sana maayos na muli ang aming samahan dahil sa totoo lang nanasar ako na natutunan pa naming magmahal na syang dahilan ng lahat ng ito.May natutunan ako sa mga bagay na ito hindi masamang magmahal basta’t wag lamang sobra-sobra dahil ito ang sisira sa pagkatao mo kaya’t dapat magtira ka para sa sarili mo.Sa mga kaibigan ko sana bago tayo grumaduate maging maayos na ang lahat.Mahal ko kayo at mahalaga kayo sa akin ”
                Nang mabasa ng lima ang nakasulat sa notebook ni Beronica na puro tungkol sa kanila ay agad silang nagtungo sa simbahan at mataimtim na nanalangin.Halos pare-pareho lamang ang kanilang hiling at iyon ay bigyan lamang nila na karagdagang buhay si Beronica ay iingatan na nila ang kanilang samahan at walang makasisira nito pananatiliin nila ang paguunawaan sa isa’t isa.
                Pagbalik nila sa ospital ay magandang balita ang sumalubong sa kanila. Si beronica ay maayos na dahil nagising na ito bagamat hindi siya makakaattend ng graduation sa isang araw.Laking tuwa nalamang ng lima at para sa kanila ang mahalaga ay buhay si Beronica.
                Nakagraduate silang anim at para sa kanila ay“Ang barkadahan at magandang samahan na sa Dizon High nabuo ay hindi matatpos sa Dizon High dahil ito ay magpapatuloy pa habangbuhay.” Hanggang kolehiyo at kahit may trabaho na sila hanggang magkaanak ay di parin nasira ang barkadahan nila.